Binata, Patay matapos magbigti!

614

Echague, Isabela – Patay ang isang binata matapos magbigti pasado alas onse kaninang tanghali sa Sitio Matartarang Purok 5, Brgy. Buselelao, Echague, Isabela

Kinilala ang biktima na si Jerry Omabon, 28 anyos, binata, at residente ng Brgy Disimungal, Nagtipunan, Quirino.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nakatanggap ng ulat ang himpilan ng PNP Echague mula sa isang concerned citizen sa di’umanoy pagpapakamatay ni Omabon.

Natagpuan ang biktima sa loob ng bahay ng isang Brgy. Kagawad ng nasabing barangay na nakabitin sa kahoy gamit ang nylon na lubid.

Dinala pa sa pinakamalapit na pagamutan si Omabon ngunit idineklara din na dead on arrival.

Samantala, patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers