2, 000 MANGGAGAWA SA ILOCOS REGION, NABAKUNAHAN SA TATLONG ARAW NA BAYANIHAN BAKUNAHAN

13

Higit 2, 000 manggagawa sa ilocos region ang nabakunahan kontra COVID-19 sa national vaccination drive.
Ayon sa monitoring ng Department of Labor and Employment o DOLE nasa 2, 133 at kanilang pamilya ang naasistihan ng dole sa pagpapabakuna.
nagkaroon ng advocacy campaign ang ahensya matapos itong mamahagi ng leaflets sa mga shopping malls, simbahan, palengke at iba pang establisyimento.
Nagkaroon din ng libreng sakay ang dole papunta sa vaccination areas para sa mga manggagawa na nagpabakuna sa bayanihan bakunahan.
Maari pang tumaas ang nasabing bilang dahil hinihintay pa ng dole ang kompletong report mula sa kanilang field offices. | ifmnews

Facebook Comments