6 pang Pinoy seafarers na matagal nang stranded sa China, nakauwi na ng bansa

112

Dumating na rin sa bansa ang anim pang Filipino seafarers na matagal nang stranded sa China.

Ang naturang Pinoy seafarers ay kabilang sa 29 Filipinos na stranded sa tatlong Chinese-flagged vessels Han Rong 362, 366, at 369.

Ang naturang mga barko ay unang nahinto ang operasyon noong May 2021 dahil sa COVID-19 restrictions sa mga pantalan sa China.


Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs na pinoproseso na rin nila ang pagpapauwi sa iba pang Pinoy seafarers na stranded sa China.

Facebook Comments