2.2 milyong pisong halaga ng shabu, nakuha sa dalawang drug suspek sa isang apartelle sa Quezon City

Sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine, nakatanggap ng impormasyon ang Quezon City Police District sa umanoy illegal drug activities sa isang apartelle sa Novaliches, Quezon City.

Agad na bineripika ng mga pulis ang impormasyon at nang mag-positibo ito ay isinagawa ang buy-bust operation dahilan para makuha sa dalawang drug suspek ang 325 na gramo ng shabu na may street value na 2.2 milyong halaga.

Kinilala ang dalawang drug suspek na sina Ronnel Grifalda, 35 anyos ng Caloocan City at  Rolando Abarga, 24 anyos ng Navotas City.


Sa pag-iimbestiga pa ng pulisya, natukoy na ang naarestong si Grifalda ay may dati nang kasong frustrated murder at kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Nakakulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa paglabag sa kasong RA 9165 o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments