Aabot sa 2, 200 na Day Care pupils sa Dagupan City ang mabebenipisyuhan ng Supplementary Feeding Program (SFP) mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD-FO1).
Tinanggap ng lokal na pamahalaan ang mga food items na consumable for one month at isa pang panibagong batch ng items ang i-dedeliver sa buwan ng October para sa 60-day implementation ng SFP.
Bawat batang benepisyaryo ay makatatanggap ng dalawang batch ng mga sumusunod na items para sa kanilang dalawang beses na feeding; macaroni pasta, whole grain cereal, canned tuna, vegetable oil, all-purpose flour, choco rice mongo blend, non-fat probiotic drink, three pieces apples, one piece pear, bihon, mongo, white beans, two kilos rice, one kilo glutinous rice at eight pieces egg.
Ito ay bilang dagdag suporta sa kasalukuyang feeding at nutritional programs ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Belen para sa mga undernourished children.
Ayon kay DSWD Project Development Officer Charmaine Manaoat, ang end-goal ng feeding program ay ma-improve ang timbang ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng 60-day supplemental feeding upang maiwasan ang stunting o undernutrition.
Ang lokal na pamahalaan na ang mamahala sa pagmomonitor sa weight at height ng mga beneficiaries. | ifmnews
Facebook Comments