2, 220 NA PULIS SA PANGASINAN SUMAILALIM SA SURPRISE DRUG TEST

Aabot sa 2, 220 o 63% ng pulis sa Pangasinan ang sumailalim sa surprise drug test.
Bahagi ito ng programa ng kapulisan na pinaigting na internal cleansing na pinangunahan ng Provincial Crime Laboratory.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office, Provincial Director, PCol. Jeff Fanged, dahil sa pagsasagawa ng kaliwa’t kanang anti-illegal drugs operation sa probinsiya kailangang masiguro ang kredibilidad ng mga drug enforcement teams ng kada police station.

Dahil dito, kailangan silang sumailalim sa drug test upang makita kung mayroon man sa mga ito ang gumagamit ng iligal na droga.
Lahat umano ng 2, 220 ay nag-negatibo sa iligal na droga.
Magpapatuloy umano ang drug testing sa mga lower units maging sa mga officers ng pulisya sa Pangasinan.
Hindi umano kokonsintihin ng opisyal ang sinumang pulisya na mahuhuling gumagamit ng iligal na droga. | ifmnews
Facebook Comments