ISA SA SUSPEK SA PAGPATAY SA ISANG JOURNALIST SA PANGASINAN NOONG 2020, ARESTADO!

25
Naaresto ng kapulisan ang isa sa tatlong suspek sa pagpatay sa isang newspaper and columnist na si Virgilio Maganes.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Noe Ducay, 45-anyos na naaresto na ng kapulisan sa Quirino Province.
Matatandaan na binaril si Maganes malapit sa kaniyang bahay noong ika-10 ng Nobyembre 2020 ng riding in tandem sa Brgy. San Blas, Villasis dito sa Pangasinan.

Top 5 most wanted person si Ducay.
Dinala ito sa Eastern Pangasinan District Hospital para sa physical at medical examination. Sa ngayon, kasalukuyang nakakulong si Ducay sa San Nicolas Police Station Jail. | ifmnews
Facebook Comments