2.4% inflation rate na naitala noong isang buwan, ikinatuwa ng Malakanyang

Ikinalugod ng Malakanyang ang patuloy na pagbagal ng inflation rate na kung saan, bumaba ng hanggang 2.4 percent ang naitala nitong nagdaang Hulyo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo,  bunga na rin ito ng patuloy na pagta-trabaho ng mga economic managers at malakas na political will ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Asahan na ani Panelo ng mga mamimiling Pinoy na tuloy-tuloy ang pagsisikap ng Duterte Administration upang maipatupad ang macro- economic policies nito na lilikha ng positibong impact sa hanay ng Filipino consumers.


Ito partikular ang mapanatili ang downtrend inflation sa mga food and non-alcoholic beverages, housing, tubig, elektrisidad, mga produktong petrolyo at may kinalaman sa transportasyon.

Ang 2.4 percent July inflation rate ang pinakamababang inflation na naitala magmula pa noong January 2017 batay na rin sa record ng Philippine Statistics Authority.

Facebook Comments