2.4 million doses ng Pfizer vaccines, dadating sa bansa sa kalagitnaan ng taong 2021

Nakatakda na ring dumating sa bansa ang 2.4 million doses ng COVID-19 vaccines na Pfizer.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Manuel Romualdez, posibleng dumating ang mga bakuna sa Pilipinas sa susunod na buwan o sa unang bahagi ng Hunyo.

kinumpirma ni Romualdez na nakumpleto na ng Pilipinas ang legal requirements nito sa Pfizer.


Ang naturang Pfizer vaccines ay magmumula sa to COVAX Facility.

Sinabi pa ni Ambassador Romualdez na noon pa sanang Pebrero nakatanggap ang pilipinas ng 117,000 doses ng bakuna ng Pfizer subalit naantala ito dahil nagkaroon ng problema sa indemnification agreement.

Facebook Comments