2.5 MILYON NA HALAGA NG FARM MACHINERIES IBINAHAGI SA BAYAN NG SAN NICOLAS

SAN NICOLAS – Aabot sa halos 2.5 milyong piso na halaga ng mga fram machineries ang natanggap ng dalawang asosasyon sa bayan ng San Nicolas na mula sa Department of Labor and Employment Office Region 1.

Limang traktor na nagkakahalaga ng P1,252,525.00 at isang 4 wheeldrive tractor na may halagang P1,251,980.00. ang natanggap ng Guardians Brotherhood at San Nicolas Senior Citizen Association.

Nabatid naman ang pasasalamat sa mga nakatanggap ng mga nasabing makinarya na kanilang magagamit upang mapabuti ang kanilang pag-aani.


Samantala, ipinangako naman ng mga benepisyaryo na kanila itong iingatan.

Facebook Comments