Palipas Oras na Sugal ng Magkakamag-anak, Humantong sa Kulungan

Cauayan City, Isabela- Deretso sa kulungan ang apat (4) na magkakamag-anak matapos maaktuhang nagsusugal sa Research Minante 1 sa Lungsod ng Cauayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Emalyn Dalupang, 56 taong gulang; Wilmar Dalupang, 32 taong gulang; Fe Oraya, 48 taong gulang at Donald Asuncion, 20 taong gulang na pawang mga residente ng Research Minante Uno.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang Cauayan City Police Station mula sa concerned citizen na mayroong grupo ng nagsusugal sa kanilang lugar.


Agad naman itong bineripika ng kapulisan at nang makarating ang mga pulis sa lugar ay naaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng “Bet Game”.

Dahil dito, agad na dinakip ang mga suspek at nakumpiska sa lugar ang isang (1) set ng baraha, isang lamesa; apat (4) na piraso ng monoblock chair at pera (bet money) na nagkakahalaga ng Php150.00.

Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang mga suspek.

Facebook Comments