Cauayan City,Isabela- Target na mabakunahan ang nasa 2.5-M na populasyon ng sa buong rehiyon dos bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Inihayag ni DOH Region 2 Regional Vaccine Operations Center Manager Joyce Maquera, nasa kabuuang 2.5-M na populasyon sa rehiyon dos ang target na mabakunahan upang makamit ang herd immunity.
Aniya, binigyan umano ang DOH region 2 ng direktiba na kahit papaano ay mabigyan ng unang dose ng bakuna ang mga indibidwal mula sa 70% target population.
Kaugnay nito, puntirya naman ng DOH na mabakunahan ang nasa 1.8-M bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Samantala, nasa 757,846 ang bakuna na mayroon ang rehiyon sa ngayon para sa unang dose na ipinamahagi sa mga probinsya.
Target naman ng DOH region 2 na makapagbakuna ng mahigit 55,000 kada araw para sa unang dose.
Hinimok naman ng ahensya ang publiko na makipag-ugnayan sa mga Rural Health Unit para sa mabakunahan.