2. 7 BILLION NA ILLEGAL NA DROGA, NAKUMPISKA NG PDEA SA PANGASINAN

Pumalo na sa 2. 7 billion na halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ngayong taon.
Ayon kay PDEA Pangasinan Provincial Head Rechie Camacho, nasa 360 kilos at 774 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 2.45 billion at 2. 4 million na halaga ng marijuana ang nakumpiska.
Nasa 34 high-value targets ang nahuli kung saan kasama dito ang pagkakahuli ng mga sangkot sa malakihang operasyon na isinagawa sa Pozorrubio na kinasangkutan ng apat na katao kasama na ang isang Chinese national.

Ani ni Camacho, ang mga LGU ay kinakailangan magtayo ng isang balay silangan upang makamit ang drug-cleared status.
Ang Asingan, Balungao, Basista, Sison, Umingan at San Carlos City ay mayroong Balay Silangan ngunit tanging Umingan’s Center ang operational.
Nasa 1,081 na barangay mula sa 1, 272 ang drug cleared at 191 ang hindi pa idineklarang drug free. |ifmnews
Facebook Comments