CULTURAL MAPPING PROJECT SA BAYAN NG SISON, SINIMULAN NA

Sinimulan na ang Cultural Mapping Project ng Lokal na Pamahalaan ng Sison sa pakikipag-ugnayan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa pagpapaigting ng kanilang ancestral domains, culture at tradisyon ng mga Indigenous Peoples sa bayan.
Nilahukan ito ng NCCA Cultural Mapping Facilitator na siya ring naging Resource Speaker ng ginanap na Negotiation Meeting and Scoping ng nasabing proyekto.
Layunin ng aktibidad na matukoy, maitala, mapangalagaan, maprotektahan, at higit na makilala ang mga pamanang yaman, tradisyon, kultura, kaugalian, at iba pang natatanging pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa Sison. |ifmnews

Facebook Comments