Pumalo sa halos 2.72 bilyon na scam at spam messages ang hinarang ng Globe noong nakaraang taon kaugnay ng mas pinalakas na kampanya nito laban sa mga malisyosong SMS.
Ang bilang na ito ang pinakamataas na naitala ng Globe at higit doble ng na-block nito noong 2021 na 1.15 bilyon. Naharang din ng Globe ang 83.4 milyon na spam messages na ang puntirya ay financial accounts ng mga user.
Para masiguro ang mabilis at epektibong palitan ng impormasyon para sa agarang tugon sa spam at fraudulent messages, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Globe sa mga bangko at online retailers sa bansa.
Isa sa pinakamahalagang parte ng cybersecurity strategy ng Globe ay ang pag-block sa spam at scam messages para protektahan ang mga subscriber nito sa peligrong dulot ng mga mapanlinlang na SMS. Ipinatupad ng Globe ang mga hakbang na ito bago pa man ang pagpasa sa SIM Registration Act, na itinuturing na isang mahalagang hakbang upang labanan ang spam at scam messages.
“Our customers are our top priority so we do our best to ensure that they are protected from scammers and fraudsters. We will continue to invest in cybersecurity systems and work tirelessly to provide them with a safe and enjoyable online experience as we also take part in the full implementation of the SIM Registration Act,” ayon kay Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer.
“With our relentless proactive blocking efforts and implementation of the new law, we are taking great strides in our campaign to end text fraud,” dagdag ni Bonifacio.
Aabot na sa $20 milyon ang inilaan ng Globe para sa spam at scam detection at blocking ng mga SMS na may mga smishing link. Sa makabagong sistema nito, nasasala ang mga unwanted message, kabilang na ang mga app-to-person at person-to-person na SMS na galing sa local at international sources.
Nanguna rin ang Globe sa pag-block ng person-to-person SMS na may mga clickable URLs mula sa kahit anong network simula noong Setyembre 2022. Kasunod ito ng pagdami ng report ng mga scam at spam messages na may mga buong pangalan ng mobile users.
Matapos pasimulan ng Globe ang naturang aksyon, umabot na sa 32.2 milyon scam at spam texts na may mga clickable link ang na-block nito. Ito ay halos katumbas ng 2.4 milyon na SMS kada araw mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 13, 2022.
Nagpalabas din ang Globe ng mga fraud at security chatbots para matulungan ang mga empleyado nito sa pagsagot at pag-analisa sa mga privacy at cybersecurity-related concerns.
Patuloy rin ang pagbibigay nito ng mga information materials sa social media ukol sa fraud, cybersecurity, at data privacy para mas lumawak ang kaalaman ng mga konsyumer at maprotektahan ang kani-kanilang mga sarili laban sa mga mapansamantala.
Para malaman ang iba pang detalye tungkol sa cybersecurity measures ng Globe, pumunta sa www.globe.com.ph.