Itatalagang DA secretary, dapat may puso sa mga maliliit na magsasaka – senador

Kung si Senator Cynthia Villar ang tatanungin, dapat ay may puso para sa mga maliliit na magsasaka ang itatalagang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Kaugnay na rin ito sa naunang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na isang eksperto sa agrikultura ang kaniyang i-a-appoint kapalit niya sa ahensya.

Ayon kay Villar, Chairman ng Committee on Agriculture and Food sa Senado, maraming agriculture expert ngunit wala naman ang mga ito na puso para sa mga magsasaka.


Kung wala aniyang puso para sa mga farmer ang itatalagang DA Secretary ay katumbas ito ng kawalang serbisyo para sa sektor na pinagsisilbihan.

Malaki rin aniya ang tyansang maiimpluwensyahan ito na gumawa ng masama para sa mga magsasaka.

Mahalaga rin aniya na pag-aralan ang personalidad ng itatalagang kalihim ng ahensya dahil makikita naman agad kung may malasakit ito sa ating mga magsasaka.

Facebook Comments