2 Abu Sayyaf, naaresto sa sagupaan sa Sulu

Sulu – Arestado ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos ang naganap na sagupaan sa lalawigan ng Sulu.

Kinilala ang 2 bandido na sina Abu Sayyaf bandits Nadsfar Abdulla at Delson Kansiong.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo-Ann Petinglay, ala-1:50 ng madaling araw kanina nang mangyari ang mahabang engkwentro sa Barangay Lagasan Higad, Parang, Sulu.


Nakasagupa ng tropa ng 2nd special forces battalion ang grupo ng Abu Sayyaf sa pamumuno ni Idang Susukan.

Nakuha sa pag-iingat ng dalawang naarestong bandido ang isang R4 rifle at isang m14 rifle

Wala namang naitalang nasawi o sugatan tropa ng pamahalaaan.

Sa ngayon nanatili sa kustodiya ng militar ang dalawang naaresto at isinasailalim sa initial debriefing habang nakikipag-ugnayan na sa PNP para sa legal procedures sa kaso ng dalawa.

Sa kasalukuyan batay sa datos ng AFP Wesmincom, mula buwan ng Enero hanggang ngayong araw umabot na sa 85 Abu Sayyaf Members ang naaresto ng joint task forces.

Sa bilang na ito, 12 ay naaresto sa lalawigan ng Basilan, 50 sa Sulu, 7 sa Tawi-Tawi at 16 sa Zamboanga.

Facebook Comments