2 Abu Sayyaf, patay sa sagupaan sa Basilan

139

Zamboanga, Philippines – Dalawang miembro ng bandidong grupo Abu Sayyaf ang namatay, habang tatlong miembro ng BPAT ang sugatan sa sagupaan sa lalawigan ng Basilan noong a veintecuatro ng Mayo.

Dalawa sa mga sugatan ng miyembro ng BPAT ay dinala sa isang pribadong hospital dito sa lungsod ng Zamboanga na nakilala bilang sina Bhutsawal, 33 taong gulang at Asrapahung, legal ang edad, pawang mga residente ng Barangay Kailih ng Al-Barka Basilan .


Ayon sa kapitan ng Barangay Kailih Abdulkadirarabain, may pulong-pulong sa Barangay Guinanta ng mga miembro ng BPAT kasama ang mga BPAT ng Barangay Kailih ng bigla na lamang nakarinig sila ng malakas na pagsabog.
DZXL558, *Melanie Guanzon*

Facebook Comments