Lokal na pamahalaan ng Cagayan De Oro, walang curfew na pinatupad

243

Cagayan de Oro, Philippines – Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro na walang curfew na pinatupad sa syudad, kahit dineklara ngayon ang Martial Law.

Ito ang kinompirma ni Maricel Rivera, ang City Information Officer.


Ayon kay Rivera na business as usual pa rin ang mga establisyemento at libre ang publiko na gawin ang kanilang araw-araw na gawain.

Ngunit dahil sa banta ng seguridad, nanawagan ngayon ang lokal na pamahalaan sa publiko na makiisa sa otoridad, lalo na kung may mabantayang kahina-hinala.

DZXL558, *Mishelle Enloran*

Facebook Comments