2 akusado sa bawal na droga, hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo

Ginawaran ng habambuhay na pagkakulong ng Manila Regional Trial Court Branch 13 ang dalawang akusado sa pagbebenta ng mahigit na isang kilo ng shabu.

Sa desisyon ni Judge Emilio Rodolfo Legaspi III, sina Asnawe Macabato at Adbul Montaquim Goco ay inatasan din na magbayad ng tig-kalahating milyong piso bilang bahagi ng parusa sa kanilang paglabag sa Republic Act 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Nagpalabas na rin ng mittimus order si Judge Legaspi upang ilipat na sa New Bilibid Prisons (NBP) sina Macabato at Montaquim.


Kasabay nito, ipinag-utos na rin ng hukom na kumpiskahin ng pamahalaan at i-dispose ang drogang ginamit bilang ebidensya.

Facebook Comments