Presyo ng illegal drugs, nagmahal – PDEA

Nagmahal ang bentahan ng shabu ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, naglalaro sa mahigit dalawang libo hanggang tatlong daang piso ang street value ng kada gramo ng shabu.

Ito ay kung ikukumpara aniya sa dating isang libong piso kada gramo na bentahan sa mga nagdaang buwan partikukar sa Mindanao.


Batay sa assessment ng PDEA, inuubos na ng sindikato ng droga ang kanilang suplay.

Dahil dito, pinaigting ng anti-drug agency ang kanilang monitoring ngayon partikular sa mga lugar na ginagawang pantakip ang mga party para sa pagbatak ng illegal drugs.

Facebook Comments