2 Akyat bahay tiklo ng kapulisan matapos paglooban ang isang bahay

Arestado ang dalawang carwash boy matapos nilang paglooban ang isang pamamahay sa number 24 San Gregorio street barangay RH-12 noong sabado kung saan mahigit sa 80,000 na cash ang natangay habang hindi pa maaccount kung gaano karaming alahas ang nakuha. Kinilala ang mga suspect na sina Parido Latip Rajuman 27 anyos, na nakatira sa barangay Bagua dos at isang alyas Boy na pawing taga cot.city. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1, dakong alas otso umano kahapon ng umaga ng dumating sa bahay ang anak ng may ari ng bahay na Pamilya Aratuc, laking gulat niya sa pagbukas nito sa kwarto ng kanyang mga magulang ay nagkalat na ang mga gamit. Dahil dito ay kaagad niyang inereport sa kapulisan ang pagnanakaw, agad na nagsagawa ng pagsisiyasat ang Scene of the Crime peratives at doon nalaman na ang mga kawatan ay dumaan sa pader ng katabing carwash at sinira ang bintana at doon dumaan papasok at papalabas.

Facebook Comments