Manila, Philippines – Itinanggi ng dalawang alumni associations ng University of Santo Tomas (UST) na may cover-up sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng freshman law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Sa joint-statement ng UST Alumni Association Inc. at UST Law Alumni Foundation Inc., iginiit nilang hindi nila pino-protektahan ang mga mag-aaral na sangkot sa hazing kay Atio.
Bumuo na rin daw ang unibersidad ng isang komisyon na magsasagawa ng sarili nilang imbestigasyon tungkol sa insidente.
Una rito, sinabi ng mga magulang ni Atio na kakasuhan din nila si UST Civil Law Dean Nilo Divina at iba pang university officials.
Samantala, nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte na tutulong siyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Atio.