2 Royal Australian Navy warship, dadating sa bansa

Manila, Philippines – Dalawang royal Australian Navy warships ang nakatakdang dumating sa Maynila mula October 10 hanggang 15.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Captain Lued Lincuna, eksaktong alas 9:00 ng umaga dadaong sa pier 15 ang HMAS Adelaide (lo1), isang amphibious assault ship at HMAS Darwin (FFG-4) na isa namang guided missile frigate.

Ang pagbisita ay bahagi ng Australia Defense Force’s Joint Task Group Indo-Pacific Endeavor 2017.


Isang welcome ceremony ang magaganap na inaasahang dadaluhan nina Australian Ambassador to the Philippine Amanda Gorely, mga ranking officials ng Philippine Navy.

Facebook Comments