2-anyos, menor, patay sa pagkain umano ng kalabaw; 19 iba pa, naospital

4234

Patay ang dalawang menor de edad, habang isinugod sa pagamutan ang 19 iba pa matapos umanong malason sa kinaing karne ng kalabaw, nitong Biyernes sa Negros Oriental.

Ayon sa awtoridad, patay na ang naturang kalabaw nang katayin ito ng isang pamilya sa Barangay Bago, Tayasan, at ipamigay sa mga kapitbahay kapalit ng bigas.

Kabilang sa 50 kataong nakakain ng karne nito ang 2-anyos at 15-anyos na kapwa pumanaw sa kanilang bahay.


Nasa 19 residente naman ang dinala sa ospital nang makaramdam ng pananakit ng tiyan, habang ang iba pa ay wala namang naramdaman.

Hinala ng awtoridad, maaaring sa sakit namatay ang kalabaw na pinanghinayangan ng pamilyang namigay ng karne nito.

Posibleng maharap sa kaso ang may-ari ng kalabaw.



Facebook Comments