Dalawa sa 7 na Hinuli sa Paglabag sa Liqour Ban sa Cauayan City, Kakasuhan!

Cauayan City, Isabela- Nasa pitong (7) katao ang huling naaresto ng PNP Cauayan City na mga lumabag sa Liqour ban na ipinatutupad sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, dinala sa quarantine area sa FLDY Coliseum ang pitong nahuli at dalawa sa mga ito ay nakatakdang kasuhan ng pulisya.

Ayon sa PNP Cauayan City, hindi na nila hahayaan ang paulit-ulit na paglabag ng dalawang lalaki na kinilalang sina Junjun Ramos at Fernando Vinarao na taga Reyes St., Brgy District 1 ng Lungsod ng Cauayan.


Patuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay at pagpapatupad ng pulisya sa ECQ sa Lungsod katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments