2-Anyos na Bata, Patay Matapos Malunod!

732

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang dalawang taong gulang na bata matapos malunod sa sapa sa Barangay Bantay, Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, dakong alas 11:00 kaninang umaga nang marekober ang katawan ng biktimang batang lalaki na residente rin sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 9:00 kaninang umaga nang iwan ng mga magulang ang biktima sa ate at nagtungo sa kanilang bukid.


Makalipas ang isang oras ay nabatid na nawawala na umano ang biktima kaya’t hinanap ito ng kanyang kapatid at nagpatulong na rin sa paghahanap sa kanilang kapitbahay.

Kaugnay nito, natagpuan na lamang sa sapa na malapit rin sa kanilang bahay ang 2 anyos na bata.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng kanyang attending physician.



Facebook Comments