DFA, nagpasalamat sa mga bansang nag-donate ng mga COVID-19 test kits

Ipinadala na ng Department of Health (DOH) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang mga COVID-19 test kits na bigay ng bansang Brunei.

Nabatid na nasa 20 unit ng Covid-19 test kit ang ibinigay na ng pamahalaan ng Brunei Darussalam sa Pilipinas kung saan tinaggap ito ng DOH at DFA. Mismong sina DOH Secretary Francisco Duque III at Foreign Affairs Assistant Secretary for Asia and Pacific Affairs Meynardo Montealegre ang tumanggap ng mga testing kits mula kay Brunei Ambassador Johariah Wahab.

Ang nasabing kit ay kayang magsagawa ng pagsusuri ng aabot sa 1,000 kung kaya malaking tulong ito sa ginagawang pagsusuri ng RITM na nasa ilalim ng DOH. Nagpasalamat din ang DFA sa Temasek Foundation mula sa Government of Singapore sa ibnigay nitong donasyon na 40,000 COVID-19 diagnostic test kits at dalawang ventilators.


Facebook Comments