2 anyos na batang babae, patay matapos pagtulungang bugbugin ng ama at tiyuhin nito sa Biñan, Laguna

60

Biñan, Laguna – Nagtuturuan ngayon ang ama at tiyuhin ng dalawang taong gulang na batang babae na kanilang napatay matapos pagtulungang bugbugin sa Barangay Dela Paz, Biñan, Laguna.

Kaniya-kaniya nang palusot ang mga suspek na sina Harvey Capadocia at Artsi Delos Santos nang maaresto at makulong ito hinggil sa pagpatay sa batang biktima.

Ayon kay Supt. Reydante Ariza, hepe ng Biñan PNP – nakulitan ang mga suspek sa bata kaya binugbog nila ito kung saan sa tindi ng inabot ng biktima, isinuka nito ang kaniyang kinain pero bumara ito sa kaniyang lalamunan na naging sanhi ng pagkamatay.

Nanawagan naman ng tulong ang ina ng biktima na si Mina para sa pagpapalibing sa bata kung saan maaari silang tawagan sa numerong 0955-297-9327.

Facebook Comments