2 araw na Duterte Legacy, aarangkada ngayong araw; mga nagawa ng Duterte administration simula 2016, iuulat sa taumbayan

Magsisimula ngayong araw hanggang bukas ang Duterte Legacy Summit.

Anim na cabinet clusters ang maglalahad ng kani-kanilang naging achievements base sa 10 point socio- economic agenda sa ilalim ng Duterte administration.

Kabilang dito ang Security, Justice, and Peace cluster na pangungunagan ni Defense Chief Delfin Lorenzana, Infrastructure Development cluster na ipepresenta ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger Mercado at Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na magpepresenta hinggil sa ‘Build, Build, Build’ program.


Ilalahad naman ng Economic Development cluster ang accomplishments nito sa pangunguna ni Finance Chief Carlos Dominguez.

Ang ilan pang clusters ay Climate Change Adaptation, Mitigation, and Disaster Risk Reduction, Participatory Governance at Human Development and Poverty Reduction.

Kaugnay nito, inaasahang magbibigay ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte via video message habang si Executive Secretary Salvador Medialdea naman ang magbibigay ng keynote speech.

Pangungunahan naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang opening remarks.

Ang Duterte Legacy Summit ay inaasahang magsisimula mamayang alas-8:30 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Facebook Comments