Confirmation hearing sa chairman at iba pang opisyal ng COMELEC, COA at CSC, itutuloy ngayong araw

38

Ngayong umaga ay nakatakdang magpatuloy ang pagsalang sa Commission on Appointments – Committee on Constitutional Commission na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar ng chairman at iba pang opisyal ng Commission on Elections (COMELEC), Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission.

Ito ay sina COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan at COMELEC Commissioners George Erwin Garcia at Aimee Torrefranca-Neri.

Kasama ring sasalang sa confirmation hearing sina COA Chairperson Rizalina Noval Justol at Civil Service Commission (CSC) Chairman Karlo Alexei Nograles.


Nakansela kasi ang kanilang pagsalang sa confirmation hearing noong nakaraang linggo dahil ilan sa mga senador ay nasa Kamara at ginagampanan ang kanilang constitutional duty na i-canvass ang boto at iproklama ang nanalong pangulo at ikalawang pangulo sa katatapos na eleksyon.

Alas-11:00 naman ngayong umaga ay sasalang din sa CA Committee on National Defense na pinamumunuan ni Congressman Luis Jon-Jon Ferrer IV ang promosyon ng 17 General at Flag Officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments