2 araw na mega job fair ng JobQuest.ph katuwang ang DZXL Radyo Trabaho, nagsimula na

Mahaba na ang pila at patuloy ang pagdating ng mga aplikante sa job fair sa Mega Trade Hall Megamall, Mandaluyong City bitbit ang kanilang resume at iba pang requirements

Libo-libong trabaho ang bakante mula sa magkakaibang propesyon at kakayanan.

Kabilang sa hiring ngayon ay


  • accounting associate, admin associate
  • bartender
  • billboard staler
  • cook
  • company driver at messenger
  • dining staff
  • graphic artist
  • HR associate
  • IT support associate
  • project engineer
  • manager
  • sales and marketing associate
  • utility/dishwasher
  • data service assistant
  • software designer
  • software development manager
  • software engineer
  • maintenance engineer
  • account manager
  • IT
  • Nurse
  • sale director
  • cashier
  • driver
  • masonry
  • store crew
  • store supervisor
  • production crew at marami pang iba

Ayon kay Jobquest.ph Executive Vice President Myria Magbanua- Gamboa, dahil andyan pa rin ang banta ng COVID-19, ginawang 50% lang ang kapasidad sa loob.

Maari naman mag-apply online ang mga hindi makakapunta basta i-download lang ang jobquest.ph app.

 

Bahagi rin ng job fair ang DZXL Radyo Trabaho bilang official radio partner ng jobquest.ph na may layong makatulong upang magkatrabaho ang mga job seeker.

Pinapayuhan ang mga aplikante na na magdala ng maraming resume, sariling ballpen at sumunod sa health protocol.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Facebook page ng DZXL 558 Manila upang makita ang mga bakanteng trabaho.

 

Ngayong araw hanggang bukas ang job fair dito sa Mega Trade Hall Megamall na nagsimulang tumanggap ng aplikante alas-11:00 ng umaga at tatagal hanggang mamayang alas-6:00 ng gabi.

Facebook Comments