Davao Oriental, niyanig ng 4.1 magnitude na lindol

36

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Davao Oriental kaninang ala-1:18 ng hapon.

Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang episentro ng lindol 154 km, Timog Silangang bahagi ng Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim itong 105 km at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani.

Wala namang inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig.

Facebook Comments