Manila, Philippines – Minaliit lamang ni Manila Police District-Traffic Enforcement Unit Officer-In-Charge Chief Inspector Alejandro Pelias ang isinasagawang malawakang tigil-pasada ng grupong PISTON sa lungsod ng Manila.
Ayon kay Pelias, generally peaceful at walang pagbabago ang dami ng mga pasaherong naapektuhan ng dalawang araw na nationwide strike ng grupong PISTON.
Base sa kanilang assessment, ang mga nagsasagawa ng kilos protesta sa ibat ibang lugar sa Manila ay generally peaceful, at walang na-stranded na mga commuters.
Paliwanag ni Pelias, nakatengga lamang ang mga trucks at emergency vehicles sa Manila City Hall na handang umalalay sa mga pasaherong naistranded sa mga lugar na sinasabing walang mga pampasaherong jeep na bumabiyahe.
Dagdag pa ng opisyal na ang Manila Traffic And Parking Bureau ay patuloy na mino-monitor ang dalawang araw na kilos protesta sa Anda circle sa Port Area at sa Abad Santos Avenue, dahil sa ulat na hinaharang umano ang mga jeep na bumabiyahe sa lugar pero pagdating nila sa lugar ay nagsisipulasan ang ilang mga kalalakihan na humaharang sa bumabiyaheng jeep.