2 araw na virtual job fair ng jobquest.ph., umarangkada na ngayong araw

Gusto mo bang mag-apply ng trabaho, pero hindi ka makaalis ng bahay?

Ito na ang kasagutan sa iyong dasal, dahil maaari kang mag-apply ng trabaho gamit ang iyong mobile phones, laptops at tablets.

Abangan na mamayang alas-9:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi ang dalawang araw na virtual job fair: Trabaho for every Juan ng jobquest.ph.


Sa interview ng programang Usapang Trabaho kay Summer Reyes-Carullo, Senior Marketer ng Mymima Web Portal Services ng jobquest.ph – 14 na kompanya ang kanilang inimbitahan at aabot sa 1,300 na trabaho ang alok nila sa lahat ng mga job seeker.

Ayon kay Summer, maaaring mag-register sa kanilang website na www.jobquest.ph o i-download ang app ng jobquest.ph sa Google Play o app store.

Ito ay handog ng jobquest.ph, Department of Labor and Employment, Public Employment Service Office at ng official radio partner DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanay buhay.

Facebook Comments