Chad President Idriss Deby, patay matapos makipagsagupa sa mga rebelde

Patay ang pangulo ng Chad matapos na personal na lumahok sa giyera laban sa mga rebeldeng grupo.

Namatay si President Idriss Deby, isang araw makaraang ianunsyo ang pagkapanalo niya sa halalan para sa kanyang ika-anim na termino.

Tatlong dekada nang namumuno sa Chad si Deby at itinuturing siya bilang longest-serving leader ng Africa.


Samantala, kaagad na pumalit bilang pinuno ng bansa ang 37-anyos na anak ni Deby na isang 4-star general ng military na si Mahamat Idriss Deby Itno.

Kasabay nito, ang palusaw ng military sa parliament, pagpapatupad ng curfew at pagsasara ng borders ng Chad sa ibang bansa.

Facebook Comments