2, arestado sa shootout sa Ilocos Sur

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa nangyaring shooting incident sangkot ang supporters ng magkatunggaling mayoral candidates sa Magsingal, Ilocos Sur.

Nabatid na apat ang nasawi sa insidente habang apat din ang sugatan.

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang mga naareesto na sina Minelio Tolentio Oliver, 38, at barangay tanod na si Eddie Unzo, 37.


Ayon kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. sangkot sa barilan ang mga tagasuporta ng mga kumakandidatong alkalde sa bayan na sina Lorry Salvador, Jr. and Alrico Favis, ang asawa ng kasalukuyang mayor na si Victoria Ina Favis.

Basa sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo si Salvador at anim niyang supporters sa bahay ni Barangay Labut captain Corazon Fuller.

Biniyabit umano ni Salvador at ng kasama nitong babae si Fuller pero nakawala matapos na makialam ang anak ng kapitan.

Pagkapasok ni Fuller sa bahay ay doon na narinig ang sunod-sunod na putok ng baril.

Nadatnan ng mga awtoridad sina Lerry Pol Torda, 41; Recto Bagani, 65; at dalawang hindi pa nakikilalang biktima na nakabulagta sa sahig matapos tamaan ng bala.

Kaagad namang dinakip ng mga pulis sina Oliver at Unzo habang may iba pang nakatakas sakay ng Tamaraw FX Revo.

Nakumpiska sa mga suspek ang kalibre .45 pistol na kargado ng pitong bala.

Facebook Comments