COVID-19 vaccination sites, itatayo malapit sa mga polling center

71

Nakatakdang maglagay ng COVID-19 vaccination sites malapit sa mga polling center ang Department of Health (DOH).

Ito ay makaraang aprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang ito ng kagawaran na layong mailapit sa mga tao ang pagbabakuna lalo na sa mga hindi pa nakakakumpleto sa kanilang primary series o wala pang booster shots.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga vaccination sites ay dapat na 30 metro ang layo mula sa mga voting precinct.


Kinakailangan lamang magdala ng mga botante magpapabakuna ng kanilang vaccination card at valid ID.

Bukod dito, magtatayo rin ang DOH ng mga health stations malapit sa mga polling precincts para agad na makaresponde sa mga botanteng masama ang pakiramdam.

Facebook Comments