2 Armadong Grupo nagkasagupa sa Maguindanao , 4 Patay, MPOC ipinatawag

Apat ang patay habang di pa matiyak ang bilang ng mga naging sugatan sa nangyaring engkwentro sa pagitang ng dalawang armadong grupo sa Brgy. Sugadol, Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.

Sinasabing nagsimulang magkagirian ang ilang elemento ng MILF Task Force Ittihad kontra sa di pa batid na mga armado pasado alas kwatro ng hapon hanggang alas dyes ng gabi noong April 30 sa panayam ng RMN Cotabato- DXMY ni 1st Mech Battalion Commander Lt. Col. Lauro Oliveros.

Kasalukuyang nakontrola na rin ang sitwasyon sa lugar matapos pumasok at mamagitan na ang mga opisyales ng CCCH , AJHAG, Militar , PNP at LGU ng Datu Abdullah Sangki. Wala namang may naiulat na lumikas na mga sibilyan. Lumalabas sa imbestigasyon na nag-ugat sa awayan sa 3 hektaryang lupain ang dahilan ng gulo dagdag pa ni Col. Oliveros.


Agad namang nagpatawag ng Municipal Peace and Order Council Meeting si DAS Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ngayong araw kasama ang mga opisyales ng Barangay, PNP, at AFP para tuluyang matuldukan na ang sumiklab na tension.

Humingi na rin ng karagdagang Army Detachment para Barangay Sugadol si Mayor Bai Mariam. Isinisiguro naman ng DAS LGU na hindi makakaapekto sa gumagandang Peace and Order ng bayan ang nangyaring hidwaan ng mga armado.

Facebook Comments