Pumatay Kay Father Mark Anthony Ventura, Mga Hired Killers!

Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ngayon ng kapulisan na mga hired killers ang pumatay kay Father Mark Anthony Ventura kamakailan sa Barangay Pena Weste Gattaran Cagayan.

Sa ginanap na pulong balitaan ng Special Investigation Task Group na binuo para resolbahin ang kaso, ay inihayag ni Police Chief Superintendent Mario Espino, Regional Director ng Police Regional Office 2 na “serious personal grudge” ang motibo ng pagpaslang sa nasabing pari.

Mas malalaman pa umano ito sa gagawing imbestigasyon sa dalawang cell phones na naiwan ng tatlong gun man sa pinangyarihan ng krimen.


Binawi narin ang mga paunang nakitang motibo na informant ng pamahalaan si Ventura laban sa NPA , sa mga agbokasiya laban sa iligal mining, iligal gambling at panawagang malinis na eleksyon. Ito ay dahil sa mga aktuwal na imbestigasyon ngayon sa nangyari ay hindi ito nagkakatugma.
Ayon pa kay RD Espino na ang mga gun man ay hindi personal na kilala ang pari kung saan ito ay indikasyon na hired killers ang mga suspek .Ito ay dahil sa unang nagtanong tungkol sa pari ang mga suspek sa San Isidro Parish Chruch at sinundan sa Pena Weste Gattaran.

Samantala may dalawa umano na katao sa lugar ng pinangyarihan ang makapagbibigay ng diskription ng mukha para sa posibleng pagkakakilanlan ng dalawa pang suspek.

Nauna nang ipinalabas ang carthographic sketch ng isa sa tatlong gun man kung saan ang pangunahing palataan ay may lunal sa kaliwang pisngi, malapit sa kanyang mata.

Facebook Comments