Arestado ang isang lalaki matapos niyang pagtatagain ang dalawang aso sa Pinamalayan, Oriental Mindoro noong Sabado.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act ang hindi pinangalanang suspek.
Sa isang ulat, sinabi ng may-ari ng aso na nasa tabing kalsada lamang ang kaniyang alaga nang biglang saktan ng salarin.
Himala naman nakaligtas ang dalawang hayop na nagtamo ng malalim na sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Inamin ng akusado ang nagawang krimen subalit depensa niya, palagi raw binubungkal ng mga nasabing aso ang kanilang kusina.
Mariing pinabulaanan ng mga may-ari ng aso ang paratang ng salarin.
Facebook Comments