2 aso sa Oriental Mindoro, pinagtataga habang nasa tabing kalsada

268
PEXELS

Arestado ang isang lalaki matapos niyang pagtatagain ang dalawang aso sa Pinamalayan, Oriental Mindoro noong Sabado.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act ang hindi pinangalanang suspek.


Sa isang ulat, sinabi ng may-ari ng aso na nasa tabing kalsada lamang ang kaniyang alaga nang biglang saktan ng salarin.

Himala naman nakaligtas ang dalawang hayop na nagtamo ng malalim na sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Inamin ng akusado ang nagawang krimen subalit depensa niya, palagi raw binubungkal ng mga nasabing aso ang kanilang kusina.

Mariing pinabulaanan ng mga may-ari ng aso ang paratang ng salarin.



Facebook Comments