2 babae, arestado sa iligal na droga sa Las Pinas City

53

Hindi na nakapalag pa ang dalawang babae makataang maaresto sila dahil sa iligal na droga sa Las Pinas City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Chanda Santiago at Joan Morania na pawang mga residente ng basa compound, Barangay Zapote.


Nabatid na nagsagawa ng oplan galugad ang las pinas police sa nabanggit na compound para sana hulihin ang ilang indibidwal na may mga warrant of arrest.

Papasok pa lamang ang mga pulis ng makita ng kanilang assrt ang dalawang magkaibigan na inaalok ng iligal na droga ang isang pero tumangi ito.

Para makasigurado, isang pulis na naka-sibilyan ang lumapit sa mga suspek at nang tanungin kung bibili ng iligal na droga ay dito na sila dinampot ng mga otoridad.

Nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng shabu kung saan aminado ang magkaibigan na nagbebenta ng iligal na droga para may pang-gastos sa araw-araw.

Facebook Comments

From Advertisers