2 babae huli sa magkahiwalay na buy bust operation sa Calasiao

336

Arestado sa drug buy bust operation ng kapulisan ang isang babae matapos magbenta ng iligal na droga sa Barangay Ambonao Calasiao Pangasinan.
Sa report ng PNP Calasiao, kinilala ang suspek na si Regine Parayno, 26 anyos at residente ng Talibaew Calasiao.
Sa buy bust operation nakuhanan ito ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos.
Sinundan ito ng isa pang operasyon sa Barangay San Miguel Calasiao Pangasinan kung saan nahuli si Aurora Raymundo alyas “Awey” , 48 anyos.
Nakuhanan ito ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.
Nasa kustodiya na ng Calasiao PNP ang dalawa at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers