Suspek sa pamamaslang sa transgender sa Bolinao pinaghahanap na ng awtoridad

Tukoy na ng Pangasinan PNP ang mga suspek sa pamamaslang sa isang transgender sa Patar Beach Bolianao Pangasinan.
Kinilala ang dalawang suspek na si Isagani Dollaga at Michael Orpano na nilinaw ang PNP na nasa hustong gulang na at pinagahahanp matapos mag alsa balutan.
Ayon kay Police Captain Ria Tacderan, Information Officer ng PNP Pangasinan, ngayong araw ay nakatakdang sampahan ng kasong murder ang dalawang suspek.
Matatandaan na natagpuan ang bangkay ni Jestoni Remiendo na isang waiter sa isang resort sa nasabing bayan.
Sa post mortem examination lumalabas na tinaga ang leeg nito maging ang kaniyang kaliwang mata na dahilan ng pagkakasawi.
Ayon sa PNP Pangasinan gumagawa na ang mga ito ng aksyon para sa agarang pagkakadakip ng suspek.
*###*

*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments