2 babae, nagsubunutan sa kalye bunsod ng away sa parking

1616
Courtesy Jun Pulido Arapan

Sapul sa cellphone video ang sabunutan ng dalawang babae sa labas ng isang palengke sa General Santos City nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Bula Police Station, nagtalo ang dalawa matapos pumarada ang isa sa kanila at naharangan ng isa pa ang likurang bahagi ng kotse.


Sinubukan silang awatin ng mga mamimili subalit nahinto lamang ang rambulan nang tumumba sa kalye ang isang babae.

Kaagad naman nagkaayos ang magkabilang panig makaraang dalhin sa himpilan ng pulisya.

Facebook Comments