Maguindanao patuloy ang mga inisyatiba kontra Covid-19

“Disiplina at makiisa sa iniimplementang guidelines ng Provincial Government”, ito ang panawagan ni Maguindanao Vice Governor Datu Lester Sinsuat sa kanyang mga kababayan kasabay ng extension ng Modefied General Community Quarantine.
Ito lamang aniya ang mabisang paraan ngayong panahon upang makontra ang Corona Virus habang wala pang Vaccine laban dito giit pa ni Vice Governor Sinsuat.
Ang pahayag ni VG Sinsuat ay kasabay ng 3rd Wave Relief Distribution para sa first district ng lalawigan na kanyang pinangunahan kahapon sa Datu Odin Sinsuat.
Kaugnay nito, pinasasalamatan naman ni VG Sinsuat ang liderato ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu dahil sa walang humpay na suporta na ipinapaabot sa taumbayan lalo ngayong panahon ng krisis.
Nanawagan rin ito na tulungan sila ni Gov. Bai Mariam para mapagtagumpayan ang laban kontra Corona Virus.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments