Binawian ang isang babae at kasalukuyang inoobersabahan ang kasama nito sa National Kidney Transplant Institute dahil umano’y sa inom na gin.
Ayon sa mga doctor na sumuri sa dalawa, nakitaan sila ng metabolic acidosis at methanol poisoining.
Pinaghihinalaang galing sa biniling Cosmic Carabao Gin ang lason.
Sa ulat na natanggap ng Food and Drug Administration, nagsusuka, nahihilo, at nawalan ng malay ang dalawa matapos itong inumin. Hinihintay pa ng ahensiya ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa alak.
Dagdag pa ng FDA, wala pa dapat ito sa merkado o tindahan dahil hindi pa inaaprubahan ng pamunuan ang application ng certificate of product registration nito.
Hindi pa din sumailim sa inspection and testing ang nasabing produkto.
Puwedeng sampahan ng reklamo at patawan ng multa ang Juan Brew, pangalan ng kumpanyang nagbebenta ng gin, dahil lumabag sila sa patakaran at alintuntunin ng pamunuan.