Willie Revillame, nagpasaya at namigay ng pera sa mga batang-kalye

550
Still shots from EP Adrian Gret's video on Facebook

Tila walang pinipiling lugar ang ‘Wowowin’ host na si Willie Revillame sa pagpapasaya at pamimigay ng biyaya.

Kuha sa isang video ang nakatutuwang eksena kung saan mapapanood si Kuya Wil kasama ang ilang batang kalye.


Animo’y biglaang Wowowin game show ang nangyari sa kalsada nang pinaglaro ng host ang mga bata ng ‘Hep-Hep-Hooray’ at nagpakitang gilas din naman ang ‘kalye boys’ ng kanilang talento sa pagkanta, pag-rap, at beatbox.

At gaya ng normal na contestant at audience ng Wowowin, nag-uwi rin ng premyong pera ang mga bata bukod sa kasiyahan.

Nag-shopping at dinner lamang daw sina Revillame kasama ang kaniyang co-hosts, dancers at ilang staff ng game show sa Makati nang nakasalubong nila ang mga bata.

Ini-upload sa Facebook ng Executive Producer na si Adrian Gret ang video na may caption na “Kuya Wil with the Kalye boys. Ang gagaling kumanta ng mga bata!!!”



Facebook Comments