2 babaeng dalaw sa Mandaue City jail, timbog matapos mahulihan ng shabu sa maselang bahagi ng katawan

Cebu, Philippines – Arestado ang dalawang babae na dumalaw sa Mandaue City Jail sa Cebu nang mahuli itong may itinatagong shabu sa pribadong parte ng katawan.

Unang nahuli ng babaeng jail personnel ang isang nagngangalang Agapita More , 51 taong gulang na residente ng Barangay Poblacion sa lungsod ng Danao , nang makita ang nakausling bulak sa kaniyang ari .

Nang ito`y ipinatanggal ng guwardiya kay More napag-alaman na ang ang bulak ay may lamang shabu.


Samantala naaresto rin ang isang Marilou Pepito nang makunan ng shabu na ipinasok nito sa condom, binalot pa ng tape at saka itinago sa kaniyang ari.

Facebook Comments